Kung nagawa mong hindi siya isipin noon, magagawa mo pa rin hanggang ngayon.
Choice natin ang pagiging miserable.
Magagawa mo naman kung gugustuhin mo.
Wag ka lang magpatalo sa nararamdaman mo.
Kung gusto mo sumaya, gawin mo. Magsaya ka na kasama ang pamilya,
kaibigan at sarili. Walang makapipigil sayo.
Huwag kang mag-self pity. Nangyari na ang lahat, hindi na maibabalik. Nagkamali ka, nagkamali siya. Harapin mo nalang yung katotohanan.
Ang isipin mo, may magagawa ka pa para sa future mo. Karapatan mo ang sumaya.
Hindi mo kelangan maging anino niya, hindi mo kelangan maging malungkot kapag masaya siya. Aba, kung kaya niya maging masaya na wala ka, mas kaya mo. Magpa-party ka pa.